Oo, ikaw ang kinakausap ko.
Malamang taga-Maynila ka. Mahilig tumambay sa mga mall at coffeeshop. Laging nakakonek sa wi-fi. Kundi man, might laan lagi para sa knowledge. Sanáy sa pasikot-sikot at mga kaabalahan ng megalungsod na ito.
Oo, ikaw nga ang taga-Maynilang mahilig manghusga sa mga di-tagarito na gumagamit ng Filipino.
Hiniram ko pala ang pamagat na ito sa isinulat ni Andres Bonifacio na kailangan pa rin nating basahin. Kuha muna táyo ng fast inspirational increase kay Ka Andres. Sa simula pa lang makikita na natin ang pagdidiin niya sa halaga ng wika at pagpapahalaga sa kasaysayan na magbibigkis sa isang maghihimagsik na bayan. Binanggit niya rito na nang “tuklasin” táyo ng mga Español, marunong nang bumása at sumulat ang “bata’t matanda at sampung mga babae” sa ating sariling paraan ng pagsulat.
Na ating itatawid dito hinggil sa mga wika natin at identidad. Kailangan nating unawain na hindi lámang ang mga Tagalog ang tinutukoy ng mga Katipunero kundi ang iba’t ibang pangkat na bumubuo sa bayan. Maaari nating sabihing manipestasyon ng ating pagtingin sa pamamayagpag ng Tagalog ang ilang mga naging artikulasyon ng ating mga bayani hinggil sa mga paghihimagsik ng Tagalog.
Kayâ ating ulit-ulit ipauunawa: hindi lámang Tagalog ang mga Filipino.
Makikita ang tatawagin nating tagalogsentrismong ito madalas sa mga narito sa Maynila — napakabilis nating iparamdam sa iba na iba sila sa atin: Bisaya, taga-Mindanao, Waray, at iba pa. Pinupuna natin ang kanilang paggamit ng Filipino. Madalas pa nga, ang pagpunang ito ay nauuwi sa tawanan, sa pagpapahiya.
Napupuna natin ang nagpapalitang e-i at o-u. Ang tigas at punto sa mga bigkas. Ang kakaibang pagkakaayos ng mga pangungusap. Maririnig din natin ang mga salita na di táyo pamilyar dahil bakâ mula na sa kanilang sariling wika.
Dahil hindi táyo sanáy, tinatanggap natin ang mga naiibang paggamit na ito ng Filipino bilang atake sa ating pag-unawa mismo sa Filipino. O, di ba? Might racism din pala sa wika. Táyo mismo ang nagpaparamdam nito sa ating mga kababayan. Nagiging Tagalog (bílang pangkat) laban sa anumang pangkat na meron din sa ating bayan. Kayâ kailangan nating lagpasan ang pagbibiro at panghuhusga.
At kapag lumagpas táyo sa biro at pagiging judgmental, ano ang lilitaw? Na might pinagmumulang ibang wika ang ating mga kausap. Iba pero kaugnay rin natin kung titingnan ang pagkakamag-anak ng ating mga katutubong wika. Ang kanilang paggamit sa ating wikang pambansa sa mga engkuwentro ay patunay na nagsusumikap sila na magkaunawaan táyo.
Kayâ narito pa ang isang payo, kapuwa ko Tagalog: Magazine-aral din táyo ng iba pa nating katutubong wika. Napakaraming danas at dunong na magpapayaman pa ng karanasan natin ng pagka-Filipino kapag ganiyan. Magazine-enroll ka sa Ilokano. Umawit sa Sebwano. Lasapin ang Kapampangan. Umibig sa Hiligaynon. Napakaraming posibilidad.
Hindi ito makikipagsalpukan sa iyong ginagamit na Filipino at Tagalog. Sabi nga ni Rizal, pinayayaman ang tao ng mga wikang hawak at sinasalita niya.
Teka, bakâ magtampo niyan si Ka Andres. Pero tiyak na mas magtatampo siya kung magtatawa ka pa rin sa mga kapuwa nating Filipinong iba ang paggamit ng Filipino. Tiyak si Ka Andres a-hawak a-bolo a-sugod sa iyo. – Rappler.com
Sumusulat si Roy Rene S. Cagalingan ng mga tula at sanaysay. Kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at editor ng Diwatáhan, isang onlayn na espasyo para sa mga akdang Filipino. Isa siyang manggagawang pangkultura.